Showbiz News

WATCH: Rocco Nacino, Jinri Park at Ashley Ortega, idol rin pagdating sa sports!

By Bea Rodriguez

Hindi lang sa showbiz kumikinang ang ating Kapuso stars dahil sa larangan ng sports ay idol rin sina Rocco Nacino, Jinri Park at Ash Ortega.

Sumasabak sa jiu-jitsu competitions sina Rocco at Jinri abroad at nag-uuwi ng mga gantimpala mula sa mga patimpalak.

Silver at bronze medalist si Rocco sa sinalihang jiu-jitsu tournament noong Mayo. Hindi lang siya nag-uwi ng medalya, pinabaunan din siya ng mga aral nito. Saad niya, “One thing I learned the hard way, kailangan matulog ako nang mas mahaba at alagaan ang katawan ko.”

Apat na medalya naman ang napanalunan ni Jinri sa dalawang kompetisyon sa Tokyo, Japan. Nagustuhan ng aktres ang sport dahil “It’s very technical so a woman or people who are smaller use technique to beat up someone who’s much stronger and bigger.”

Three gold medals at isang special award naman ang inuwi ni Ash noong nakaraang linggo sa ice skating competition na Summer Skate 2018.

IN PHOTOS: Ashley Ortega slays Summer Skate 2018!

Dating parte ng Philippine team ang Kapuso actress at pagkatapos ng pitong taon ay muling binalikan ni Ash ang kanyang first love.

“I used to compete abroad representing our country. I stopped because I started doing showbiz. I started going back to skating noong natapos ko ‘yung Super Ma’am which is last [February], and then my coach told me there’s a competition [at the] end of the month ng May. So I’m actually proud of myself,” kuwento ng aktres.