Showbiz News

WATCH: Helen Gamboa, may emosyonal na mensahe para kay Ciara Sotto

By Jansen Ramos

Emosyonal na ibinahagi ni Helen Gamboa sa Tunay Na Buhay ang kanyang mensahe para sa kanyang anak na si Ciara Sotto. Noong 2016 ay idineklara nito na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Jojo Oconer matapos ang anim na taong pagsasama.

Ani ng veteran actress, naiintindihan niya ang pinagdaraanan ng kanyang anak at naniniwala siyang malalagpasan niya ito.

"I know that God is in your heart everyday of your life. So, don't worry anak. I know how sincere you are, how honest you are. I'm sorry kung napapaiyak ako, anak, kasi I know what you've been through pero alam kong magiging masaya ka pa rin, anak. Don't worry, me as your mom, I'll always be with you."

Ayon kay Ciara, on-going ang proseso ng kanilang annulment ni Jojo at pinapahintulutan naman niya itong makita ang kanilang anak na si Crixus.

"He sees him (Crixus) and they spend time together. They bond. I think it's important din naman na he has a relationship with his dad." Bahagi niya.

Panoorin ang buong panayam sa video na ito:

Video from GMA Public Affairs