Kris Aquino, taos-pusong nagpasalamat sa pagso-sorry ni Pres. Rodrigo Duterte sa controversial video ni Mocha Uson
Hindi inalintana ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang batikos na kaniyang inabot sa away nila ni Assistant Secretary Mocha Uson ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
POLL: #TeamKris or #TeamMocha: Which side are you on?
WATCH: Mocha Uson's response to Kris Aquino's live video
Nag-ugat ito sa video na inupload ni Asec. Uson sa Facebook kung saan ikunumpara nito ang paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang babaeng OFW sa South Korea sa ginawang paghalik ng dalawang Pinay sa yumaong senador na si Ninoy Aquino ilang oras bago ito mabaril noong August 1983.
Sa bago niyang Instagram post, taos-pusong nagpasalamat si Kris Aquino sa ginawa ni President Duterte na humingi ng paumanhin patungkol sa kontrobersyal na video ni Ms. Uson.
Dagdag niya wala rin daw siyang pakialam sa sasabihin ng mga supporters ni Digong o ng mga taga-oposisyon sa mensahe niya sa pangulo ng bansa.
Ani Kris, “Alam kong damned if you do, damned if you don’t ako... but i was brought up to recognize an “olive branch” when it is being offered. Alam ko yung mga natitirang LP will bash me & the DDS will never like me. Alam ko rin na sasabihan akong bakit ako nagpapauto.
“Pero ito ang pananaw ko- the most powerful man, President Duterte affirmed my pain. When all his supporters have called me the most hateful names- the man who doesn’t say SORRY- inutusan ang kanyang pinaka pinagkakatiwalaan na mag relay ng SINCERE apology sa kin.”
Binigyan diin ng celebrity TV host na lagi niyang ipagtatanggol ang mga yumao niyang magulang sa mga gustong yumurak sa kanilang pagkatao.
“Anak akong nakipaglaban na bigyan ng respeto ang magulang kong patay na. Sa puso ko, naramdaman ko na yun. So #carebears na po sa lahat ng babatikusin ako. In my critics words- this “media whore” “bitch” and “kulang sa pansin” BINIGYAN ng panahon at importansya ng pangulo ng ating bansa. Pasensya na kung #BRAT ang tingin ninyo pero this was a #WIN for the memory of the 2 people i love.”
May iniwan din siyang mensahe sa mga bashers.
“Unfortunately for the HATERS i am here to stay. #KAlevel”