Showbiz News

Kylie Padilla, natakot na baka ma-C-Section dahil sa tagal niyang nag-labor para kay Baby Alas

By Gia Allana Soriano

 

Sa isang interview ni Kylie Padilla sa Tonight With Arnold Clavio, naikuwento ng aktres na waterbirth ang una nilang plan sa kanyang pangaganak ngunit hindi ito natuloy. Kuwento niya, "Sana, pero sa sobrang tagal niya lumabas. So, hindi natuloy 'yung waterbirth."

Dagdag pa niya, natakot din siya ma-C-Section. Kuwento niya, "Nine days late siya [na delayed.] Kaya medyo kinakabahan na ako nun. Kasi ayoko ma-C-Section sana. [But] normal [delivery naman siya.]"

 

Binahagi rin niya ang mga kuwento tungkol sa mini-pictorial ni Baby Alas. Ika niya, "Masarap 'yan maalala di ba pag malaki na siya. Actually ang kuwento niyan, nung hindi pa siya lumalabas, ayoko talaga maglabas ng picture. Kasi syempre, di ba, i-keep ko muna. Private muna. Pero apat na araw siyang nasa tyan ko, parang nung nakita ko. Parang nung nakita ko siya, [sabi ko,] 'wala na akong pakialam, i love you so much, papakita na kita.'"