Showbiz News

Angelika dela Cruz postpones Austrian trip in favor of Una Kang Naging Akin

Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day—you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Halos two hours pa lang daw siyang nakakatulog mula sa pagte-taping ng Babangon Ako at Dudurugin Kita ng GMA-7, nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Angelika dela Cruz. Dahil daw kasi sa pag-ulan last Tuesday sa Noveleta, Cavite, hindi sila nakatapos ng taping, kaya kinailangan din nilang bumalik doon kahapon, May 28, at pagkatapos ay dumiretso sa Manila Memorial Park in Parañaque, para ituloy ang taping doon. Angelika plays the role of Via, wife ng character ni Marvin Agustin at kontrabida talaga ang role niya, tulad din ni Marvin. Dagdag pa niyang kuwento, bobongga pa raw ang kasamaan niya till the end of the story. PLAYING CONTRAVIDA NOW. Noong nasa ABS-CBN pa siya, naging issue ang pagtanggi niya sa pagganap ng role na kontrabida, bakit ngayong nasa GMA-7 na siya'y pumayag siyang maging kontrabida ni Yasmien Kurdi? "As much as possible, ayoko na po sanang maungkat iyon," sagot ni Angelika. "Pero gusto ko na lang sabihin na dito nang tanggapin ko ang project, alam ko na po sa simula pa kung ano ang role na gagampanan ko, na later on ay magiging masama talaga ang character ko. Hindi naman po ako tumatanggi sa trabaho. Basta alam ko lang from the start kung ano talaga ang character ko." Naitanong din ng PEP kay Angelika kung hindi ba siya inaaway ng mga fans kapag nakikita siya? "Hindi naman po, ‘tsaka ang tawag na po nila sa akin, ‘Via,' at...nakakatawa po dahil kapag nakita nila ako, tinatanong nila sa akin, nasaan daw si Mayor Alfred, si Marvin." LOTS OF THINGS TO DO IN GMA. Kumusta naman ang pagtatrabaho niya ngayon sa GMA-7? "Masaya po ako rito, saka hindi ako nag-iisip kung may susunod ba akong project pagkatapos nitong Babangon Ako at Dudurugin Kita, dahil sa ngayon, sunud-sunod din po ang trabahong ibinibigay nila sa akin. "Sa June 6 po, aalis kami nina Marvin at Allan K for Milan, Italy, para sa launching ng GMA Pinoy TV roon. Three days kami roon at pagbalik namin dito, magti-taping muna ako ng soap namin. Then sa June 12, aalis naman po kami ng cast ng Nuts Entertainment for Macau. Guest po ako sa taping ng anniversary presentation nila at four days po kami roon. "Nanghihinayang nga lang po ako na hindi na muna matutuloy ang balak kong pagpunta ng Austria pagkatapos ng launch namin sa Milan, Italy. Dadalawin ko po sana ang lola ko roon [sa mother side] na matagal na ring hindi ko nakikita. "Nag-shopping na nga po ako ng mga formal wear na gagamitin ko sana roon at isasama ko ang boyfriend ko, para makilala na rin ng mga lola ko. Pero sinabi nga po ng GMA-7 na kailangan ko na ring bumalik agad dahil bukod sa taping ng Babangon, may bago raw akong project na gagawin, ang Una Kang Naging Akin na muling ididirek ni Tito Joel [Lamangan]. Kaya hindi na po ako tutuloy sa Austria." FHM SHOOT? Napansin naming mas slim na ngayon si Angelika, puwede na ba siyang mag-shoot for FHM, o pipigilan siya ng boyfriend niya. "Naku, hindi po ganoon ang boyfriend ko, napaka-supportive nga po niya. "Noong may nag-offer nga sa akin ng sexy cover pictorial, tinanong ko siya kung okey lang sa kanyang mag-one-piece bathing suit ako, natawa siya, mas classy raw kung two-piece ang isusuot ko. Ano raw ba ako, lola at one-piece bathing suit ang isusuot ko?" natatawang wika ni Angelika. "Noon pa po may offer sa akin ang FHM na mag-cover, pero tumanggi po ako dahil that time, bagets pa ako, nang mag-offer sila ulit sa akin, chubby naman po ako kaya hindi ko rin tinanggap. Ewan ko po, so far naman hindi pa nila ulit ako tinatawagan, saka I feel, kailangan ko pa ring magbawas ng weight." GMA ARTIST CENTER. How about sa movie, wala pa ba siyang gagawin? "May offer naman po, kaya lang sexy, so hindi ko po tinanggap. Pero okey lang po kung sexy, basta maganda ang role. Kaya lang, sa sunud-sunod ko pong ginagawa, okey lang sa akin kung wala muna akong gawing movie ngayon." Kumusta na ang kanyang recording career, naayos na kasi ang kaso niya sa BMG Records at puwede na siyang gumawa ng bagong album. "Ipinabahala ko na po iyon sa GMA Artist Center. Sila na ang makikipag-ayos sa GMA Records. Sa ngayon po kasi, co-manager ng GMA Artist Center ang daddy ko na siyang in-charge sa mga TV shows ko. Ang iba po, sa kanila na [GMA Artist Center]," patapos na wika ni Angelika. Talk about Angelika and her rosy career in the iGMA forums! And if you want the latest updates about Angelika from the actress herself, subscribe to her Fanatxt service! Just type ANGELIKA and send to 4627 for all telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers.)