Showbiz News

Kris Aquino, nagpasalamat sa kaniyang inaanak na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera

By Felix Ilaya

Nang pumutok ang isyu tungkol sa hidwaan sa pagitan nina Kris Aquino at Mocha Uson, agad na nagpaabot ng suporta ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para kay Kris.

Habang nasa radio show ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute, nagpasalamat si Kris sa mga artista na nagpadala sa kaniya ng mga supportive messages. Isa sa mga pinasalamatan ni Kris ay ang kaniyang mga inaanak na sina Dingdong at Marian.

Aniya, "I just wanna say, 'yung dalawang inaanak ko, si Marian and si Dong, thank you. Kasi si Dong went out of his way to post.

"Inilagay niya ang sarili niya in the line of fire just to say 'We love you, Ninang.' Hindi ako nagkamali pinili kong inaanak at mga pinili ko to stay in communication with because they have been there."

Na-touch si Kris sa mga artistang nag-reach out sa kaniya dahil nainintindihan siya nito. "Ano lang kasi, hindi nila ito ginawang politika. Inintindi nila because I have been like a second mom to them so I think 'yun lang 'yon. Naramdaman ko at pinaramdam nila sa 'kin na kung anong ginawa ko para sa kanila, ngayon gagawin nila."

Maliban kina Dingdong at Marian, ilan pa sa mga nabanggit ni Kris ay sina Bea Binene, Mariel Padilla, Kim Chiu, at Erich Gonzales.