Showbiz News

Kris Aquino, walang nakuhang mana mula kay former President Cory Aquino?

By Aedrianne Acar

Inamin ni Kris Aquino sa radio program na Cristy FerMinute ngayong Huwebes ng hapon na nagkaroon sila ng malaking tampuhan ng kaniyang ina na si former President Corazon ‘Cory’ Aquino noon.

Ayon sa Queen of All Media, nagawa raw siyang tiisin ng kaniyang ina noong ipinagbubuntis niya si Josh Aquino, ang anak nila ng action star na si Philip Salvador. Kuwento ni Kris, “The most painful part of our lives kami ng mom ko, our relationship is when pinagbubuntis ko si Josh. First time niya ako tiniis.”

Diretsahang tinanong ni Cristy Fermin si Kris kung totoo ba na wala siyang natanggap na mana kay Cory.

Idinitalye ni Kris ang naging desisyon ng kaniyang yumaong magulang na kay Josh mapupunta ang mana, hindi sa kanya.

Saad niya, “No. I was never part of the inheritance. Klaro lang, let’s be clear. It was never spoken of because hindi naman ine-expect na mangyayari sa kaniya.”

“But she (Cory) made it very clear to me. I want the field to be level. Gusto ko patas sila, kasi Nay, alam mo ito bago tayo nagkatampuhan. Nasa tiyan ko pa lang, pinag-aagawan na si Bimb para sa mga commercials.”

Dadag ni Kris na gusto raw ng kaniyang ina na maalagaan si Josh ano man ang mangyari.

Wika niya, “And masakit ‘yun sa mom ko na this child is getting everything and Kuya Josh [is not getting any] because of his condition, because of autism. Hindi maaasahan kung ano ang mangyayari, so that time pa lang sinabi ng mom ko 'You have your money of your own, the money you should expect from me nakapangalan kay Josh.' And hindi ako ang namamahala nun, that is my ate’s care. Because come what may sinigurado ng mom ko hindi maagrabyadao si Kuya (Josh).”  

Ipinanganak ni Kris si Josh noong June 4, 1995.