Showbiz News

WATCH: Alden Richards, maglalabas ng bagong awit sa July

By Marah Ruiz

Bukod sa paghahanda para sa kanayng upcoming GMA superhero telefantasya na Victor Magtanggol, may iba pa palang pinagkakaabalahan si Kapuso actor Alden Richards.

Sa July kasi, maglalabas siya ng panibagong single na pinamagatang "I Will Be Here."

Una na niyang ipinarinig ang piano version ng awit sa online music show na Spotlight Music Sessions. 

"Napapanahon kasi siya. Maganda 'yung meaning noong kanta," bahagi ni Alden.

Abangan ang kanyang performance sa official YouTube channel ng Spotlight Music Sessions. 

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: