Showbiz News

READ: Regine Velasquez, handang magpasaya ng Kapuso sa Dubai sa '3 Stars 1 Heart' concert

By Felix Ilaya

Lilipad patungong Dubai ang Kapuso singers na sina Regine Velasquez, Christian Bautista, at Julie Anne San Jose this June 16 para sa third leg ng 3 Stars 1 Heart. Habang nasa mini press conference ng kanilang upcoming concert, may isang miyembro ng press na nagtanong kung ano ang difference kapag nag-pe-perform sa mga Kapuso abroad.

Ayon kay Christian, tila sabik daw ang mga Kapuso abroad na mapanood at marinig sila ng live.

Dagdag pa ni Regine na mas mainit ang pagtanggap sa kanila 'pag sila ay nasa ibang bansa.

Aniya, "Basically when you perform outside the country for the Filipinos, generally the audience is warmer talaga. That's why we really do our best to put in more OPM songs kasi that's what they want to hear. They don't want to hear songs of other [Western] artists, especially 'pag sa States. They would really want for you to sing as much as possible OPM songs and they love it because they know that you make an effort also na to make it more OPM."

Maliban sa mga OPM songs, inaabangan din daw ng mga manonood ang chismisan nila on stage. "Alam mo, ang gusto pa nila chismis! 'Pag nagko-concert kami out of the country nagbabasabasa kami ng mga bagong chismis kasi tuwang-tuwa sila doon 'pag sa spiel."

Abangan sina Regine, Christian at Julie sa Dubai World Trade Center, this June 16 na para sa third leg ng 3 Stars 1 Heart concert.