Showbiz News

LOOK: Sharon Cuneta, nawawala ang kompiyansa sa sarili dahil kay Marian Rivera?

By Bea Rodriguez

 

Proud na ipinost ni Kapuso Primetime King Dingdong Dante ang mala-Diyosa na litrato ng kanyang asawang mestizang Caviteña.

Sa nasabing post, kitang-kita ang hubog ng katawan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na suot ang two-piece floral bikini.

Marami ang humanga sa fit at seksing pangangatawan ni Mrs. Dantes. Isa na rito si Megastar Sharon Cuneta na tila ay gandang-ganda sa 33-year-old actress at mother of one.

 

 

Bumaha rin ang ilang komento mula sa celebrities tungkol sa #BodyGoals ng FHM Hall of Famer.

 

 

Kasalukuyang nagbabakasyon ang pamilya Dantes sa El Nido, Palawan para ipagdiwang ang Father’s Day ngayong araw, July 17.

Tag team ang mag-asawa sa pagwo-workout para masabayan ang kakulitan ng kanilang two-year-old daughter na si Baby Zia.