Showbiz News

WATCH: Dingdong Dantes at Regine Velasquez, bakit piniling manatili nang mahigit 20 years sa GMA?

By Bea Rodriguez

Mahigit dalawang dekada nang #LoyalKapuso sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Asia’s Songbird Regine Velasquez. Bakit kaya never na silang umalis sa bakod ng GMA?

“The core values of GMA; kumbaga, [ito] talaga ‘yung guiding principle namin as actors and pati na rin siguro ng employees. Indirectly, hindi naman pinapaalala sa ‘yo araw-araw kung ano ito, makikita at mararamdaman mo siya through the programs that we do,” paliwanag ng Kapuso leading man na ilang programa na ang nagawa sa network.

Ang Kapuso network naman ang nagbigay ng big break at nagpalawak ng mga talento ni Ate Reg, “I didn’t actually start here naman, but sila ‘yung nagbigay sa akin ng malaking chance [and] opportunity na mag-host [at] magkaroon ng sariling show tapos gumawa ng soap so I’m very thankful [and] I’m very grateful.

Pamilya naman ang turing ni Kapuso heartthrob Miguel Tanfelix sa GMA habang growth sa karera ang nagpanatili kay Kapuso comedian Betong Sumaya na dating executive producer ng News and Public Affairs shows.

Video courtesy of GMA News