Showbiz News

Panoorin ang viral video ni 'Microphone Diva' sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

By Bianca Geli

Marami ang na-intriga sa viral video ng isang babae na kakaiba ang pagkanta. Pansin ng mga netizens na tila hindi makasabay sa videoke at panay buntong-hininga at hirap bumirit ang microphone diva na si Giselle.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ipinamalas ni Giselle ang kaniyang pagkanta. Hilig raw talaga ni Giselle na mag-videoke. Umiinom pa nga raw ito ng salabat para gumanda ang boses. Pero aminado siya na malayo sa pagiging ginintuan ang kaniyang tinig.

Aniya, “Di ko po alam kung bakit sa pamilya namin, ako lang ang ‘di nabiyayayan ng magandang boses.”

“Pag kumakanta po ako, may time po kasi na kapag mataas po talaga, pinipilit ko pong ibirit kahit ‘di ko naman kaya.”

‘Di man kagandandahan ang boses, marami namang napasaya ang Microphone Diva na si Giselle sa kaniyang kuwelang pagkanta.

Panoorin ang kaniyang birit video sa KMJS:

Video from GMA Public Affairs