Showbiz News

Anak ni Gabby Concepcion na si Garie, pumalag sa basher na sinabing mukhang 'tsimay' ang ina na si Grace Ibuna

By Aedrianne Acar

Mahinahon na sinagot ng singer na si Garie Concepcion ang isang basher na nilait siya at kaniyang pinakamamahal na ina.

 

Si Garie ang anak na babae ni Gabby Concepcion sa former wife niya na si Grace Ibuna.

Makikita sa comments section ng Instagram ng kanyang half-sister na si KC Concepcion ang kanyang naging sagot sa netizen na si @wanderer_924 sa masasakit na salita na i-pinost nito.