READ: Kris Aquino, nagpaliwanag kung bakit mas pinili niya si Alden Richards kaysa sa isang Kapamilya actor
Pinag-uusapan ngayon ang naging pahayag ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa presscon ng kaniyang pelikula na “I Love You, Hater” kung saan diretsahan niyang pinili si Alden Richards kesa sa co-star niya na si Joshua Garcia.
READ: Kris can’t get over Alden on ‘Alaala’
Base sa ulat ng PEP.ph, humanga daw ng husto ang celebrity TV host sa performance ng Pambansang Bae sa ‘Alaala: A Martial Law special’ na umere noong September 2017.
Wika ni Kris, “Nabilib ako because of that martial law special. I watched it because I was given a copy by Direk Aldof [Alix Jr.]. Galing na galing talaga ako sa kanya [Alden].”
Sa Instagram naman, ipinaliwanag din ni Kris na bukod sa good looks ni Alden, bilib din siya sa hardwork at pagmamahal ng binata sa kaniyang pamilya.
Dagdag pa ng aktres, nai-imagine niya makatrabaho si Alden Richards sa isang movie.