Showbiz News

K-pop star Nichkhun, sasabak na ba sa Pinoy teleserye katulad ni 'My Korean Jagiya' lead actor Alexander Lee?

By Gia Allana Soriano

Magkasama sina Nickhun at Alexander Lee sa international edition ng Korean variety show na One Night Food Trip, kung saan sa Pilipinas nag-shoot ang dalawa. Mapapanood din sa show ang mga Filipina actresses na sina Ciara Sotto at Danica Sotto-Pingris. 

 

Sa isang interview with selected media outlets, tinanong si Nichkhun kung may balak na ba siyang mag-teleserye or magkaroon man lang ng isang project sa Pilipinas.

Aniya, "I want to meet all the fans in every country. If I could [be part of the cast of a Pinoy drama,] I'd love to." Ika naman ni Xander, ang lead star ng GMA Telebabad romcom na My Korean Jagiya, "It would be so much fun [if you could star in a Filipino show.]"