What's Hot

MUST-READ: Sebastian Castro, nakipaghiwalay sa kanyang karelasyon sa text?

By Bea Rodriguez
Published June 24, 2018 1:23 PM PHT
Updated June 24, 2018 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi pa man inaamin ang kanilang ugnayan, tinapos na ng karelasyon ni Sebastian ang namamagitan sa kanila. Ang tanong ng karamihan, si Paolo Ballesteros nga ba ito?

Kagabi (June 23), binasag ni Sebastian Castro ang kanyang katahimikan at sinabing nanggaling siya sa isang “brief 3-month relationship” pero hindi ito nag-work out. Wala raw siyang balak na kumpirmahin or itanggi ang kanyang dating rumored boyfriend.

Noong Abril, usap-usapan na may romantic relationship sa pagitan ni Sebastian at Paolo Ballesteros nang makita silang magkasama sa coronation night ng Bb. Rosario La Union.

Sa mga panahong ito rin ay nag-post si Seb ng surprise bouquet na bigay ng kanyang “rootword” para sa kanilang pangalawang “monthsary.”

 

this was a nice surprise to come home to. i don’t normally do monthsaries, but hey for you, i can make an exception. ???? happy 2nd, root word.

A post shared by Sebastian Castro (@thesebastiancastro) on

 

#Sweet: Former Kapamilya reporter Ryan Chua reacts to new love of his ex Sebastian Castro

“For my own peace of mind, I’ll acknowledge it’s over. Call it practicality, but it’s simply easier to say so once publicly than over and over again when asked,” post ng YouTube sensation sa kanyang Instagram.

Pinost rin niya ang personal message ni “PB” or “Root Word” kung saan nagpapaumanhin siya dahil nasaktan niya umano ang kanyang karelasyon. Ayaw rin niyang tapusin ng kanyang naging special someone ang kantang isinusulat para sa kanya.

 

 

 

 

Sino nga ba itong tinutukoy ni Sebastian?