Showbiz News

Jaclyn Jose, hanga sa desisyon ni Andi Eigenmann na huwag mag-celebrate ng birthday kasama si Ellie

By Bea Rodriguez

 

Humanga si Cannes Best Actress Jaclyn Jose sa kanyang anak na si Andi Eigenmann na nagdesisyon na hindi isama si Ellie para mag-celebrate ng kanyang 28th birthday. Ito ang unang beses na hindi makakasama ni Andi ang kanyang anak sa kanyang kaarawan.

Nagtaka raw si Jaclyn sa desisyon ng kanyang anak na tumugon na, “Minsan lang mag-graduate si Jake. I can always have her more of my birthday.”

Agree raw ang aktres at mas lalo siyang pinahanga ng kanyang anak na talagang mahal na mahal si Ellie.

Kasalukuyang nasa Singapore si Ellie kasama ang kanyang Daddy Jake para ipagdiwang ang graduation nito kasama ang pamilya Ejercito.