Showbiz News

LOOK: Lolit Solis reports fake Twitter account

By Bea Rodriguez

 

Si Manay, may Twitter? Pinabulaan ng veteran showbiz reporter na meron siyang ibang social media accounts bukod sa Instagram.

“Alam n’yo Instagram lang [ang] meron ako. Wala akong Twitter [at] wala akong Facebook. Tulad sa sinulat ko sa column ko sa PSN (Pilipino Star Ngayon), Instagram lang ang enjoy ako,” ani Lolit Solis sa kanyang public Instagram post.

Fake account daw ang Lolit Solis Official Twitter account na may username na @EysTheGreat na kinokopya ang kanyang mga Instagram posts.

“Sabagay, nakakatuwa naman na meron gusto i-fake ang Twitter account, gamitin [ang] pangalan at mag-post ng litrato sa [Instagram]. Pero gusto ko lang ipaalam na iyon nga, hindi akin iyon Twitter account na iyon na hindi ko alam for what purpose ginawa ng sino man,” komento ng entertainment news writer.

Dahil dumarami na ang applications at upgraded na ang teknolohiya sa henerasyong ito, kinakailangan na raw ng 71-year-old showbiz writer na maghabol.

Pero, sa Instagram pa rin daw natin basahin ang kanyang mga ini-emote!