Showbiz News

WATCH: Isa pang anak ni Jackie Forster, gusto ding pasukin ang mundo ng showbiz

By Bea Rodriguez

 

Walang nang kawala sa showbiz ang celebrity mom na si Jackie Forster dahil ang kanyang seven-year-old unica hija na si Caleigh Simone ay gusto ding pasukin ang mundo ng showbiz sa Pilipinas.

Bumisita sa bansa ang aktres kasama ang kanyang asawa’t mga anak galing London at may chance raw na dito na sila manirahan, lalong-lalo na't gusto ng kanyang only girl na pasukin ang industriya.

Confident na ipinakita ni Caleigh ang kanyang talento sa pagkanta kay 24 Oras reporter Nelson Canlas, “I [want to] audition if I’m good enough, but I am.”

Apat na taon nang in remission si Caleigh mula nang magkaroon siya ng juvenile leukemia noong tatlong taong gulang pa lamang siya. Nahilig siya sa pagkanta kaya nakatulong ito sa pagpapagaling ng kanyang baga.

Matupad kaya ang pangarap ng anak ni Jackie at sumunod sa yapak ng kanyang mga kuya na sina Andre at Kobe Paras?

Video from GMA News

READ: Andre and Kobe Paras release official statement on their reconciliation with Jackie Forster