Showbiz News

WATCH: Transgender woman, nagtapos ng magna cum laude sa PUP

By Gia Allana Soriano

Tampok sa Tunay Na Buhay ang istorya ni Ianne Gamboa, isang transgender woman na nagtapos bilang magna cum laude sa Polytechnic University of the Philippines sa kursong Bachelor of Arts in English. 

Senior police officer ang ama ni Ianne, si SPO1 Paul Gamboa. Very supportive ang kanyang ama, at pati ang kanyang ina. Ika nga ng host na si Rhea Santos, " Hindi naging problema sa pamilya" ang pagiging transgender woman ng kanilang bunso. Proud pa nga ang ama at ina ni Ianne sa kanya dahil naka-graduate ito with honors. 

Ika ni Ianne, "Kapag nagbigyan ng fair and equal opportunity ang isang tao regardless of sexual orientation and gender identity, she will excel in her passion, and she will be relevant in whatever profession she chooses to be a part of."

Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview dito: