Showbiz News

Terrence Romeo sa mga bumabatikos sa Gilas Pilipinas: 'Ba't 'di kayo mag convert ng Australian'

By Aedrianne Acar

Palaban ang Gilas Pilipinas guard na si Terrence Romeo sa mga bumabatikos sa kanila sa naging asal nila sa laro kontra Team Australia sa FIBA World Cup kagabi, July 2, na ginanap sa Philippine Arena.

READ: Bench-clearing brawl breaks out in Gilas game vs. Australia

Nauwi sa rambulan ang intense game sa pagitan ng dalawang koponan. Sa huli ejected sa laro ang mga Gilas members na sina Terrence Romeo, Carl Bryan Cruz, Jayson Castro, Calvin Abueva, Andray Blatche, Roger Pogoy, Troy Rosario, Japeth Aguilar at Matthew Wright.

Samantalang apat na manlalaro naman sa Team Australia ang hindi na rin pinaglaro.

Idineklara ng mga referee na panalo ang Australia by default laban sa Pilipinas sa score na 89-53.

Palaban ang naging tugon ni Terrence Romeo sa Twitter sa mga taong disappointed sa buong national team sa FIBA World Cup game.

 

 

Naglabas na din ng pahayag ang International Basketball Federation o FIBA sa mga nangyari kagabi at sinabing maglulunsad sila ng disciplinary proceedings sa parehong team.