Showbiz News

JULYke na Like: Ang bagong aabangan sa GMA ngayong Hulyo

By Cherry Sun

Mapapa-thumbs-up kayo sa mga bagong aabangan at tututukan sa GMA ngayong Hulyo.

Dalawang international na drama ang mapapanood sa Kapuso channel simula ngayong buwan. Nagsimula nang umere ang kauna-unahang Turkish novela on Philippine TV, ang Wings of Love. Marami rin ang muling makakaranas ng k-lig fever dahil nasa GMA na rin ang Princess Hours na mapapanood simula July 18.


Pangungunahan naman ni Regine Velasquez ang newest reality singing competition, ang The Clash na mapapanood tuwing Sabado at Linggo simula July 7. Makakasama rin ng Asia’s Songbird ang mga world-class judges na bubuuin nina Lani Misalucha, Christian Bautista at Aiai Delas Alas.


May special na handog din ngayong buwan sa GMA Network dahil simula July 7 ay bibida sa Kapuso Movie Nights ang mga pelikulang paborito niyo at pumatok sa takilya. Mapapanood din ang pagbabalik-boxing ring ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao laban kay Lucas Matthysse sa GMA sa July 15. Maghahatid din ng special coverage ang GMA News tungkol sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SONA 2018 sa July 23.


Kapana-panabik naman ang mga pinakabagong Kapuso teleserye na magpapasaya, magpapanerbiyos at magpapa-wow sa inyong buong araw.
 
Simula July 16, matutunghayan ang mag-inang magkaribal dahil sa iisang lalaking kanilang minahal sa Kapag Nahati ang Puso. Abangan dito ang natatanging pagganap nina Bea Binene, Benjamin Alves at Sunshine Cruz. Makakasama rin nila sina Bing Loyzaga, David Licauco
at Zoren Legazpi.
 
Magtutuos naman ang dalawang pamilya dahil sa paghihiganti sa Ika-5 Utos. Abangan ang Kapuso afternoon prime na pagbibidahan nina Jean Garcia, Tonton Gutierrez, Antonio Aquitania, Valerie Concepcion at Gelli de Belen. Kasama rin ang mga Kapuso stars na sina Jake Vargas, Inah de Belen, Jeric Gonzales, Migo Adecer at Klea Pineda.
 
Magtatapos din ang buwan sa pagpapakilala ng pinakabagong tagapagtanggol na bibigyang-buhay ni Alden Richards sa kanyang pagbabalik-Kapuso primetime. Abangan ang Victor Magtanggol simula ngayong Hulyo.