Showbiz News

WATCH: Kim Rodriguez, dream ang manalo ng best actress award

By Gia Allana Soriano

 

Nagsimula ang career ni Kim bilang aktres ng makasama siya sa Reel Love presents: Tween Hearts ng GMA Network noong 2011-2012. Years after ay may tatlo nang awards ang aktres. Kabilang dito ang "New Movie Actress of the Year" mula sa 29th PMPC Star Awards for Movies, "Teen Choice Awardee: Most Promising TV & Movie Teen Actress" mula sa 2014 Teen Choice Awards, at ang "German Moreno Youth Achievement Award" mula sa FAMAS 63rd Annual Awards 2015. 

 

Ikinalulungkot nga lang ni Kim dahil nabasag ang una niyang award nang manakawan sila sa kanilang dating bahay. Ngunit nasa bagong bahay na nila sa Antipolo ang dalawa pa niyang awards. 

 

Nang tanungin naman ni Rhea Santos sa Tunay Na Buhay si Kim kung ano ang dream award na gusto niya pang idagdag sa mga trophies niya, hindi naman nagdalawang-isip si Kim na sabihing: "Best actress po."

Panoorin ang episode highlight dito:

Video from GMA Public Affairs