Showbiz News

WATCH: Kapuso stars, wagi sa 2018 Entertainment Editors' Awards o Eddys

By Michelle Caligan

Ilan sa inyong paboritong Kapuso stars ang kinilala sa katatapos lamang na Eddys o Entertainment Editors' Awards na ginanap noong Lunes, July 9.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, parehong nasungkit nina Therese Malvar at Angeli Bayani ang Best Supporting Actress award para sa mga pelikulang 'Ilawod' at 'Maestra.' 

Nakatanggap naman ng Film Icon Award si Superstar Nora Aunor, na malapit nang mapanood sa upcoming primetime series na Onanay. Kasama naman sa posthumous honorees ang yumaong direktor ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na si Maryo J delos Reyes.

WATCH: Onanay: Meet Onay, the small person with a big heart | Teaser

Hinirang bilang Star of the Night sina Andrea Torres at David Licauco, habang Best Dressed naman si Sanya Lopez.

Panoorin ang buong report dito: