Showbiz News

READ: Toni Aquino, nabastusan sa basher na sinabihan siyang 'grumaduate muna bago lumandi'

By Aedrianne Acar

Gusto nang tapusin ng anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino ang mga haka-haka patungkol sa pagpapakasal niya sa non-showbiz boyfriend na si Ricardo “Rick” Centurion.


LOOK: Meet Toni Aquino's 'mystery bae' who is a certified eye candy!

Makikita sa comment section ng Instagram ni Toni na nilinaw niya ang post ng netizen na si @marycory20 na kaya siya magpapakasal ay dahil buntis na siya.

LOOK: Ruby Rodriguez's daughter Toni Aquino is now engaged

“Pregnant? OMG no. How can you even say that. That’s really judgemental of you. We love each other and yes I HAVE TO FINISH COLLEGE that’s the plan.”

 

 

Pumalag din ang former Trops star sa inabot na pambabastos mula sa isang Internet troll na si @kokolove13.

 

 

Sa kabila ng ilang tao na iniintriga ang kaniyang engagement, mas marami naman ang excited para sa anak na panganay ni Ruby sa kasal nito.

Ito ang ilan sa mga celebrities na bumati kay Toni at sa kaniyang future husband.