
Successful ang heart surgery ng Sunday PinaSaya star na si Joey Paras kaya nabigyan pa siya ng pangalawang buhay ng Panginoon.
Taos-pusong nagpasalamat ang Kapuso comedian sa mga taong patuloy na nagmamahal, nananalangin at tumutulong sa kanya, lalong-lalo na sa panahong nalampasan niya ang pagsubok na ito.
READ: Kapuso and Kapamilya stars pray for the fast recovery of Joey Paras after heart surgery
Pinasalamatan niya ang kanyang kapwa Kapuso stars na sina Eugene Domingo, Marian Rivera, Valeen Montenegro, Aiai Delas Alas, Alden Richards, Jerald Napoles at ang kanyang Sunday PinaSaya at APT family na sina Mr. Antonio Tuviera, Direk Mike Tuviera, Rams David at Arnold Cruz Reyes.
EXCLUSIVE: Jose Manalo, may payong pangkalusugan kay Joey Paras
Nagpaabot rin ng pasasalamat si Joey sa kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at ang mga doktor na nag-alaga sa kanya.
“Words are not enough to thank all of you. May God give me many, many, more DECADES to live so I may purposely SERVE HIM the best way I know. May God also bless all of you who took time to show and GIVE some compassion and love to me, especially to my LOVED ONES and Special Friends who have been INSTRUMENTS OF GOD.”
Dagdag pa ng TV host, “I love you guys! Life is indeed so SHORT. Share LOVE as we live LIFE to the FULLEST. GOD BLESS US ALL. AMEN!”