Showbiz News

READ: Paolo Contis, gusto lunurin sa pagmamahal ang anak ni LJ Reyes na si Ethan Akio

By Aedrianne Acar

Hindi matatawaran ang pagmamahal ng Bubble Gang star na si Paolo Contis para sa anak ng Kapuso primetime star na si LJ Reyes.

WATCH: Paolo Contis, itinuturing na best friend ng anak ni LJ Reyes na si Aki

Nitong Martes, July 24, ipinagdiwang ni Ethan Akio o mas kilala bilang Aki ang kaniyang 8th birthday.

Sa Instagram page ni Paolo, makikita ang nakaka-touch niyang mensahe para kay Aki na itinuturing na niyang sariling anak.

Saad ni Pao, “Happy Birthday sayo Kalbo! Malunod ka sana lagi sa aking pagmamahal.. Lagi akong nandito para sayo alam mo yan! Haharang ako ng bala para sayo... pero wag lang sana ipis! Ikaw na bahala sakin dun ha!”


May sweet message din si Mommy LJ para sa kaniyang baby boy na bumago sa kaniyang buhay.

Aniya, “More than 8 years ago, I never thought I needed you! But God gave me you! And my life changed entirely and for the better!!! I think I became a better person because of you.”

Ipinagpapasalamat din ng Kapuso actress na ibinigay ng Diyos ang tulad ni Aki na sobrang sweet sa kaniya.

“I thank God everyday for you! And I thank you baby for being you, the silly crazy you, for being the kulit ball of energy that you are, and for being the sweetest of all sugar! I know it’s your 8th today, but I will always see you and treat you as my baby! I am very proud of you baby! I hope you know that! I will always shout to the world, mahal na mahal na mahal kita!!!! Happy birthday my Aki!”


Nagpaabot din ng pagbati ang ilang celebrities sa birthday ni Aki tulad na lang nina Maricris Garcia at Bettinna Carlos.

 

 

Anak ni LJ si Ethan Akio sa former Kapuso actor na si Paulo Avelino.