Showbiz News

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, may kabang nararamdaman sa pagpasok nina Mavy at Cassy sa showbiz

By Maine Aquino

Nagbigay ng  kanilang suporta sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa kanilang mga anak sa pagpirma ng kanilang GMA Artist Center contract nitong July 26. Kasabay nito ay ang kanilang pag-amin sa isang interview ng kaba na kanilang nararamdaman ngayong opisyal nang artista ang kanilang mga anak.

LOOK: Mavy and Cassy Legaspi are now part of the Kapuso network

Saad ni Carmina sa kanilang interview, "Ninenerbyos ako. Ganito pala 'yung feeling kapag nasa behind the cameras tapos 'yung mga anak mo sila lang 'yung nandoon. Ninenerbyos ako. Of course happy and I'm really proud of them."

May halong lungkot naman ang tatay ng kambal na si Zoren. Aniya, "Ako may lungkot kasi siyempre 'pag naging busy sila, busy ka, busy ako, hindi na tayo magkikita-kita. Alam mo 'yun? 'Yun 'yung fear ko, hindi kami magkikita-kita."

IN PHOTOS: Mavy and Cassy ink their contracts with GMA Network

Kanila ring inilahad na inabot ng ilang taon bago sila napapayag ng kambal na mag-showbiz.

Kuwento ni Zoren, "Mahabang talk 'yan. Mga two years naming pinagusapan talaga 'yan. We came to a point na dead end na eh kasi 'yung age nila mag-eighteen na. So sabi ko it's either you decide now or it's going to be too late. Kasi normally nagsa-start mga 15 talaga eh.

"Tapos gradually 'yung network mo sa mga fan base, you build it until you reach the age of 20, 'yun na. So this is the right age. Kumbaga we're just gonna test the waters lang."

Para naman sa kanilang ina ay importanteng mag-enjoy ang mga anak sa bagong mundo na kanilang papasukin.

Sabi ni Carmina, "Mukhang ngayon pa lang nage-enjoy na talaga sila. 'Yun naman talaga ang importante. As long as they're having fun, 'yun naman ang importante 'di ba? 'Yung nage-enjoy talaga sila. Ayaw muna namin masyadong pressure or stress so let's see from here."