Showbiz News

READ: Paolo Contis's anniversary message for LJ Reyes

Punong-puno ng pagmamahal at pagmamalaki para kay LJ Reyes ang mensahe ni Paolo Contis para sa kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-boyfriend at girlfriend. Ibinahagi ito ni Paolo sa kanyang mga Instagram followers ngayong araw, July 27.

Sulat ni Paolo: "Tandaan niyong lahat ang mukhang to! Eto ang mukha ng taong tatlong taon na akong pinapasaya! Eto rin ang mukha na gusto kong makita at makasama hanggang sa aking pag tanda! Eto ang mukha ng babaeng mahal na mahal ko!"

READ: Paolo Contis, handa na ba mag-settle down with LJ Reyes?

Siyempre pa, hindi magiging kumpleto ang mensahe ng aktor sa kanyang pinakamamahal kung hindi niya ito sasamahan ng katatawanan na tatak Paolo Contis. 

Aniya, "'Pag nakita niyo ang mukhang to, ipag-bigay alam agad sa mga otoridad! Baka makawala pa eh!! Happy Anniversary Mahal ko!! I love you sooooo much!!"


Happy anniversary, Paolo and LJ!