Showbiz News

WATCH: Cast ng 'Eto na! Musikal nAPO!,' bumida sa kanilang gala night

By Bianca Geli

Napabilib ang mga manonood at press sa cast ng Eto Na! Musikal nAPO! kung saan tampok ang mga kanta ng OPM band na APO Hiking Society.

Sa ginanap na gala night ng musical noong August 2, namangha ang mga unang nakanood ng musical sa pag-arte at talento ng mga cast, pati na rin sa istorya ng musical.

Kasama sa cast sina Rita Daniela, Mark Bautista at Marika Sasaki. Dumating din sa gala night ang dalawang miyembro ng APO Hiking Society na sina Jim Paredes at Boboy Garovillo.

Ayon kay Jim, “This is a live work, I've been writing for so many years, I've been singing this song for so many years, and all of a sudden they give it a new twist and people are loving it.”

Dagdag naman ni Boboy, “I'd like to congratulate the production, thank you for doing more than justice.”