Showbiz News

Ano ang mami-miss nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara sa 'Kambal, Karibal'?

By Gia Allana Soriano

Ngayong tapos na ang Kambal, Karibal, ano-ano ang mami-miss ng lead stars nito na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara sa show?


Kuwento ni Bianca, ang mga taong nakasama niya ang pinakamami-miss niya. "'Yung mga taong nakasama namin for the whole run. Masayang masaya po kami na nagkaroon po kami ng isang buong pamilya."

Si Miguel naman, ang mga natutunan niya daw sa kanyang karakter ang mami-miss. "Siguro 'yung mga take aways ng mga characters na na-apply po namin sa buhay namin. Lalo na si Diego para sa akin, very ano siya, eh, deep."


Para naman kay Kyline, ang "katawan ni Cheska" na nag-portray ng tatlong kaluluwa ang pinaka-mami-miss ng aktres.

Panoorin ang buong report sa Balitanghali: