Showbiz News

LOOK: Jericho Aguas at Jaycee Parker, ipinasilip ang kanilang prenup shoot

By Marah Ruiz

Nakatakda nang ikasal ngayong buwan ang celebrity couple na si Angeles City Councilor Jericho Aguas at former Viva Hot Babe Jaycee Parker.

Kaya naman nag-shoot na sila para sa kanilang prenuptial photos and video.

Present sa kanilang shoot ang sikat na floral and event stylist na si Badang Rueda, fashion stylist na si Jemi Nicdao, makeup artist na si Mariah Santos, hairstylist na si Arvin Santos, event planner and wedding coordinator na si Erika del Rosario-Sadac at team ng Nice Print Photography.

Si Jericho ang dating asawa ng pumanaw na aktres na si Isabel Granada. Nagkaroon sila ng isang anak, si Hubert.

August 19 nakatakda ang kasal nina Jericho at Jaycee.