Showbiz News

WATCH: Toni Gonzaga, may mahalagang natutunan sa 'Eat Bulaga'

By Cherry Sun

Isang mahalagang lesson na natutunan ni Toni Gonzaga sa Eat Bulaga ang kanyang ibinahagi sa kanyang kapatid na si Alex.

LOOK: Toni Gonzaga reunites with 'Eat Bulaga' moms

Mapapanood sa latest vlog ni Alex na pinamagatang “Harsh Comments by Alex Gonzaga” ang pagkuwento ni Toni ng kanyang nakuhang aral sa pagiging host noon sa longest-running noontime variety show. May mga pumupuna kasi sa pagho-host ng kanyang kapatid.

Aniya, “Ang natutunan ko dati sa Eat Bulaga, ang hosting daw is presenting your personality and who you are to the world. It's presenting who you are, with conviction na dine-deliver mo 'yung what is asked of you to tell your audience.”

"Be yourself," payo rin niya.

Video from Ms Alex Gonzaga's YouTube channel