Showbiz News

Donita Rose, umaming sumulat siya ng letter of apology sa kanyang dating asawa

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Donita Rose sa media conference ng Jolly Heartmate Canola Oil ngayong Miyerkules, August 15 na siya ay may ginawang sulat para sa kanyang dating asawa na si Eric Villarama.


Kuwento ni Donita sa press ay sumulat siya ng letter of apology sa kanyang mga pagkukulang bilang asawa. Aniya, "Nagsulat ako ng letter sa kanya almost a year before. Even though siyempre, I could blame him for everything. I wrote him a letter of apology saying I'm sorry for all of my shortcomings."

Hindi umano agad nagustuhan ni Donita ang naging reaksiyon ni Eric hanggang sa nauwi siya sa isang realization.


"Noong binasa niya, hindi ko kasi nagustuhan noong una 'yung response niya. It was like 'Oo nga eh parang it took me a long time for me to forgive you.' So when I read it, parang bastos 'to. Ako pa ang nag-sorry tapos ikaw pa 'yun... then I just let it go. Then I said, well God, in your timing, I wrote this letter to release myself of bitterness and forgiveness so sabi ko naka-move on na rin ako from that."

Inamin din ni Donita na umabot ng isang taon bago humingi ng tawad sa kanya ang dating asawa. Saad ni Donita, "It took almost a year before he said sorry. So when he said sorry, siyempre medyo nakaraos na rin na parang okay. Then he said, even though I have moved on with my life, there is not a day that goes by that I don't regret hurting you and what I did to you. So naiyak naman ako ng kaunti."

Ayon sa celebrity chef, ang mga salitang tulad nito umano ang nakakatulong sa isang tao para tuluyang maka-move on.

"These are things whether it's sincere or not, those words that are spoken are powerful and they do something and they bring healing to the heart."