Showbiz News

Kris Aquino, sinagot ang hamon ng basher na tumakbo siya bilang mayor ng Quezon City

By Aedrianne Acar

Pumalag ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa negative comment ng isang basher patungkol sa ginagawa niyang pagtulong sa mga tao na naapektuhan ng masamang panahon sa Marikina City.

Kris Aquino, pumalag sa nagsabing photo op lang ang pagtulong sa mga nasalanta ng baha

Makikita sa Instagram ng TV host/actress na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng basher na si @thesunsetsunrise na isa lamang daw publicity stunt ang ginagawa niyang pagtulong.

Hinamon din nito ang nakakabatang kapatid ni former President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na tumakbo na lamang bilang mayor sa Quezon City.

May mahabang tugon dito si Kris at nag-iwan ng babala sa basher. Tugon niya, “You may just get what you asked for… But I shall take my cue from this basketball analogy- you don't share you playbook with enemy- SO WAIT KA LANG. I have next 2 months to decide.”

“Kung trip nyo kong buwisitin- you may get your worst nightmare come to life.”

Basahin ang buong pahayag ni Kris Aquino laban sa kaniyang basher.