Showbiz News

WATCH: Dingdong Dantes, nagbigay ngiti sa isang tagahanga na may karamdaman

By Maine Aquino

Masayang-masaya si Richard nang makita niya sa personal ang kanyang iniidolo na si Dingdong Dantes.

Sumulat ang kapatid ni Richard na si Romar para ikuwento ang karamdaman ng kanyang kuya. Si Richard ay hindi na makakilos at umaasa na lamang sa pag-alalay ng inang si Agnes.

Ayon sa Kapuso Mo, Jessica Soho, taong 2016 habang nagtatrabaho si Richard ay nasugatan ang kanyang paa. Ginamot niya ito ngunit kinalaunan ay nawalan siya ng malay at nagsimula nang magkaproblema ang kanyang pangangatawan. Ayon sa isang neurologist ay may problema sa muscles si Richard. Kinakailangan pa rin ng iba't-ibang tests para matukoy ang tunay na sanhi ng kanyang sakit.

Kuwento ni Richard ay iniidolo niya ang Kapuso Primetime King. Aniya, "Idol ko po si Dingdong simula noong pumasok po siya sa GMA."

Dahil dito, gumawa ng paraan ang Kapuso Mo, Jessica Soho para makaharap ni Richard si Dingdong. Masayang kuwento ni Richard sa kanyang idolo na sinusubaybayan niya ang Sunday show ni Dingdong na Amazing Earth.

"Pinapanood kita, 'yung Amazing Earth." kuwento niya kay Dingdong.

Nagbigay naman ng mensahe si Dingdong para kay Richard. Aniya, "Sana magpalakas ka, para balang araw baka puwedeng mai-guest ka namin doon... Asahan ko na lang ang pagkikita natin ulit, ha?"

Napuno naman ang ngiti at tila nabigyang pag-asa si Richard nang kanyang makaharap si Dingdong. Ayon kay Richard, "Masaya po...parang lumakas po ako."

Panoorin ang kanilang nakakaantig na paghaharap: .

Video from GMA Public Affairs