Showbiz News

Jennylyn Mercado, nais tulungan ang batang nag-viral dahil biktima ng child abuse

By Marah Ruiz

Isang mahalagang panawagan ang nai-post sa official Facebook fan page ni Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Kalakip ng post ang isang ulat mula sa 24 Oras kung saan isang bata ang nag-viral matapos pagbuhatan umano ng kamay ng kanyang madrasta.

Tila nakita ni Jennylyn ang kanyang sarili sa bata kaya naghahanap siya ngayon ng paraan kung paano ito matutunton upang mabigyan ng tulong.

"Can anyone inform us how we can reach out to this poor girl? Jennylyn Mercado experienced child battery when she was barely 3. Jennylyn survived because her Mommy Lydia saved her from further physical, spiritual and emotional abuse. Jennylyn would like to extend her support to this girl. Please let us know," saad ng post.

Ilang taon na ang nakakalipas, inamin ni Jennylyn na nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa kanyang stepfather noong siya ay bata pa. Nakaligtas siya mula dito matapos ampunin ng kanyang tita.