Showbiz News

VIRAL: Amang bedridden, naihatid pa ang anak sa altar bago pumanaw

Nag-viral sa social media ang larawan ng isang amang bedridden habang inihahatid niya ang kanyang anak sa altar.

Sa ulat ng State of the Nation, kahit nakahiga sa stretcher si Mang Pedro ay nagawa niya pa ring maihatid ang anak na si Charlotte sa kanyang kasal.

Nitong Hunyo ay na-diagnose si Mang Pedro ng Advanced Liver Cancer. Minadali raw ang kasal upang matupad ang pangarap niyang maihatid sa altar ang anak.

Tatlong araw matapos ang kasal ay pumanaw na si Mang Pedro.

Panoorin ang State of the Nation Address report.