Showbiz News

Jessica Soho at isang batang lalaking nag-viral dahil sa 'BBoom BBoom,' nakisayaw kasama ang Momoland

By Gia Allana Soriano

Hindi maikakaila na sikat ngayon sa Pilipinas ang kantang "BBoom BBoom" ng Korean girl group na Momoland. Nag-viral din ang dance steps nito kung saan iba't ibang Pinoy ang nag-cover at nag-post ng kanilang videos online.

Isa na dito ay ang 8-year-old na si AJ na talaga namang kinagiliwan ng mga netizens dahil sa plakadong pag-indak nito sa "Bboom Bboom." Dahil na rin dito, naka-meet and greet ni AJ ang iniidolong Momoland sa tulong ng show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dito na nagpakitang gilas si AJ at nakisayaw kasama sa members ng Momoland. Pati ang host ng show na si Jessica Soho, nakisayaw rin!

Ika ni Nancy, isa sa mga members ng Momoland, "They're so nice [the Filipinos] and they all know our dance moves, our choreography, and they follow our songs." Dagdag pa niya, "We didn't expect any of these so it's actually really... we thank everyone that love our music."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: