Showbiz News

READ: Mommy Shiela, nagbago ang buhay sa pagdating ni Bae-by Baste

By Cherry Sun

Ikinuwento ni Mommy Shiela kung paano nagbago ang kanyang buhay sa pagdating ng kanyang panganay na si Bae-by Baste na nagdiriwang ng kanyang 6th birthday ngayon, August 22.

Isang madamdaming mensahe ang isinulat ni Mommy Shiela kung saan ibinahagi niya ang halaga ni Bae-by Baste sa kanya.

Wika niya, “Anim na taon kana, anim na taon narin nagbago ang ang buhay ko. Andami kong pagkakamali nung wala ka pa, as in dami dong. Umabot pa na mga bituin na lang ang nakakausap ko. Ngunit sa love and mercy ni Lord, binigay ka Niya para baguhin ang buhay ko. Di pa dun nagstart dong, takot pa akong sabihing nasa tiyan na kita at baka'y mapapagalitan na naman ako. Sabi ko bahala na, go go go na 'to! Salamat dong dahil dumating ka sa buhay ko, buhay na kay ganda, buhay na maligaya.

“Di mo pa alam sa ngayon kung ano2x ang mga ginawa mo para sakin, andami, pero isa nito dong yung nasasabihan ako ng aking mama at papa na “Proud ako sayo”, ngayon lang yan dong, as in ngayon lang dahil sa teamwork natin. Maraming salamat sa lahat, sa magandang buhay dong, sa pagkakataong binago mo ang buhay ko,” patuloy niya.

Ipinangako rin ni Mommy Shiela na susuportahan niya ang kanyang anak sa ano mang desisyon nito.

Aniya, “Pagsisilbihan kita Baste hanggang sa pagtanda ko, pangako!!! Sasamahan kita sa lahat ng desisyon mo sa buhay (syempre palo ng hanger pag sobrang mali) at sabay nating harapin ang lahat ng pagsubok, di kita pbabayaan dong!!!!! Patuloy mo lang ang mga bagay na gusto mong gawin, at mga susubukan mo pang gawin tapos pag napagod kana, pahinga ka muna. Pero pag di kana masaya, sabihan mo lang ako, suportaan tika dong!"

Paalala rin niya, "Lagi kang magdasal kay Lord, kasi lahat ng ito ay galing sa Kanya, i-alay mo para sa Kanya!!! Wag na wag mong kalimutan ang mga taong tumulong sayo, kung ano ka ngayon, dahil sa tulong nila yun kaya mahalin mo sila.”