Showbiz News

WATCH: Andre Paras, na-hot seat tungkol sa mga girls sa kanyang Instagram account

By Marah Ruiz

Magkasamang bumisita sa programang Tonight With Arnold Clavio ang mag-ama, kapwa basketball players at kapwa comedians na sina Benjie Paras at Andre Paras.

Tila sumalang sa hot seat si Andre sa segment na InstaTruth kung saan kailangan niyang ipaliwanag ang mga ilang litrato mula sa kanyang Instagram account.

Marami kasing nakakapansin na magiliw si Andre sa kanyang mga female co-stars at madalas mag-post ng mga sweet photos kasama ang mga ito.

"Dito lang sa tabi ng GMA, sa isang coffee shop. Coffee po 'yan eh, bago mag-rehearsal ng Sunday PinaSaya. Kasi magka-group kami noon dati," kuwento niya tungkol sa picture nila ni Taki.

Ipinaliwanag naman niya ang picture nila ni Ashley Ortega kung saan kakaiba ang mge expressions sa kanilang mukha.

"Wacky daw eh, wacky photo kasi 'pag seryoso baka kung ano pang sabihin ng tao," aniya.

May selfie din sila ng kanyang The Clash co-host na si Joyce Pring backstage.

"Kailangan kong i-match 'yung kanyang level of 'yung pagiging spontaneous. As a host, magaling, sobrang galing kaya marami akong natututunan sa kanya bilang isang host," pahayag niya tungkol dito.

Kabisado naman daw ni Benjie ang anak na very private tungkol sa ilang bahagi ng kanyang buhay.

"Si Andre kasi 'pag may kasama sa labas 'yan tapos 'yung babae hindi ko nakikita sa Instagram, ibig sabihin, 'yun 'yun. Kasi 'yan, hindi naglalabas," ani Benjie.

Panoorin ang feature kina Andre at Benjie sa programang Tonight With Arnold Clavio: