LOOK: Gabbi Garcia, kinilig sa naging komento ni Iza Calzado sa kaniyang IG photo
Published August 29, 2018, 11:24 AM
Isa sa mga certified fan ng Kapuso primetime actress na si Gabbi Garcia ang Kapamilya talent na si Iza Calzado.
LOOK: Iza Calzado's sexy photo in Batangas goes viral
Masisilip sa Instagram page ni Gabbi na nag-react ang versatile actress sa kaniyang ipinost na selfie at sinabi nito na sobra niyang ganda.
Hindi naman naiwasang kiligin ni Gabbi sa natanggap na papuri mula kay Iza.
Matatandaan na naging parte ng higanteng telefantasya series na Encantadia si Iza Calzado bilang si Sang'gre Amihan. Samantala, napasama naman sa remake ng Kapuso soap si Gabbi noong 2016 kung saan ginampanan niya ang role bilang si Sang'gre Alena.