Showbiz News

Rayver Cruz, balik Kapuso na!

By Gia Allana Soriano

Nagbalik na sa Kapuso network si Rayver Cruz.

Nagsimula ang 29-year-old actor sa dating informative TV show na 5 and Up, kung saan co-hosts niya sina Atom Araullo, Chynna Ortaleza, at kapatid niyang si Rodjun Cruz.

Nakasama rin si Rayver bilang child star sa dating comedy series ng GMA, ang Kiss Muna, noong 2000.

Eighteen years after ay Kapuso na ulit ang dating matinee idol.


Sa exclusive interview ng 24 Oras, sinabi ni Rayver, "It's a new beginning for me, fresh start, and open [ako] sa mga bagong challenges na gagawin ko sa GMA. So, I'm just excited."

Dagdag pa niya, "Na-e-excite na ako mag-drama, and yung mga challenging na roles na alam ko kailangan ko pag-aralan mabuti."

Panoorin ang exclusive report ni Nelson Canlas sa 24 Oras:


Video courtesy of GMA News