Showbiz News

READ: Tom Rodriguez, may paalala sa TomCar fans na huwag i-bash si Lovi Poe

By Aedrianne Acar

Hindi nagustuhan ng Kapuso primetime star na si Tom Rodriguez ang reaksiyon ng isang TomCar fan sa pagsasama nila ni Lovi Poe sa episode ng Dear Uge, na ipalalabas sa Linggo, September 9.

Lovi Poe, may alinlangan sa kanyang kasal?

Nag-post kasi si Tom ng ilang behind-the-scene photos nila ni Lovi para sa naturang episode sa Instagram kahapon, September 5.

Dito, isang fan na may Instagram handler na @macapagaljoy ang nag-comment na, “Ayaw ko 'yan si Lovi halata siya may gusto kay Tom, kung si Carla pa ipinartner kay Tom papanoorin ko pero si Lovi huwag na lang!”

Sumagot si Tom sa nasabing comment at ipinaalala na ang mga nakakatrabaho nila ng girlfriend niyang si Carla Abellana ay mga kaibigan nila.

“Ang sa amin lang, mga kaibigan naming ang halos lahat ng mga nakakatrabaho naming at ayaw lang din namin na may umatake sa kanila na mga humahanga sa amin.”

Dating nang nagkasama sina Lovi at Tom sa Kapuso soap na Someone To Watch Over Me noong 2016.