Showbiz News

WATCH: Kris Aquino, dalawang beses nakapasok sa controversial online showbiz issues list ng 'Ang Pinaka'

By Marah Ruiz

Dalawang beses nakapasok si Queen of All Media Kris Aquino sa listahan ng controversial online showbiz issues ng programang Ang Pinaka.

Number four sa listahan ang mga patutsada niya sa dating asawang si James Yap sa social media.

Nanguna naman sa listahan ang kanyang paghamon kay Presidential Communications Group Assistant Secretary Mocha Uson sa Facebook. Nagsimula ang issue nang ihambing ni Mocha ng kontrobersiyal na paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang OFW sa South Korea at paghalik ng mga babaeng plane passengers kay former Senator Benigno Aquino Jr. bago ito assassinate.

"It touched a really bad nerve kay Kris Aquino kaya sumagot siya. I think there was dalawa yata or tatlong Facebook Live posts na pinost niya para sagutin 'yung post ni Mocha," ani GMA showbiz news reporter Nelson Canlas.

Marami ring ibang personalidad ang kinailangang kumilos para mabawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawa kabilang na ang mismong presidente at si Special Assistant to the President Bong Go.

"Parang national issue na nga siya 'di ba? Even si President Duterte through his spokesperson, nag-sorry din siya. Nag-apologize siya kay Kris the following day," pag-alala naman ni showbiz reporter Rose Garcia.

Namatay ang issue nang tumigil na sina Kris at Mocha sa pagsasagutan gamit ang kanilang mga social media accounts.

Alamin ang iba pang mga kontrobersiyal na online issues sa feature na ito ng Ang Pinaka.