Showbiz News

READ: VS Angel Kelsey Merritt, sinagot ang mga kumukuwestiyon sa kanyang pagiging Pinay

By Aedrianne Acar

Marami ang natuwa sa malaking tagumpay ni Kelsey Merritt bilang kauna-unahang Pinay na rarampa sa malaking lingerie fashion show na Victoria's Secret Fashion Show.

Ngunit, sa kabila nito, hindi pa rin siya naka-iwas sa pambabatikos nang ilang tao sa social media.

TRIVIA: Meet Filipina Victoria's Secret models Janine Tugonon, Kelsey Merritt & Ambra Gutierrez

May ilang netizens kasi na dismayado at bina-bash si Kelsey dahil hindi siya mukhang Pinay.

Isang Filipino-American si Kelsey, na ipinanganak at lumaki sa Pampanga.

Facts you need to know about Kelsey Merritt

Todo naman ang pagtatanggol ng mga fans ni Kelsey sa kaniya sa mga bashers nito.

Ipinagtanggol ni Kelsey ang sarili sa mga natatanggap niyang bashing at binigyan-diin na proud siya na isa siyang Pinay.