Showbiz News

Julie Anne San Jose, na-starstruck kay Mr. Pure Energy Gary V

By Jansen Ramos

Starstruck pa rin si Julie Anne San Jose kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos niya itong makita sa ginanap na PMPC Star Awards for Music kagabi, September 9, sa Resorts World Manila.

Ayon sa kanyang Instagram post, naging seatmates pa sila ng batikang mang-aawit.


"Last night I sat next to Mr. Pure Energy @garyvalenciano at the PMPC star awards.. gosh, starstruck pa rin. Thank you for sharing your wisdom," kuwento ng Asia's Pop Sweetheart.

Magkasabay na ginanap ang 9th (2017) and 10th (2018) Star Awards for Music na may temang "A Decade Of OPM Excellence."

Dumalo si Julie sa naturang event para tanggapin ang Female Pop Artist of the Year Award para sa taong 2017. Nakuha niya ang parangal para sa kanyang third solo album na "Chasing The Light" under GMA Records.

Nakamit naman ni Gary V ang Dangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award para sa taong 2018 at ang Album Cover Design of the Year para sa taong 2017.