Showbiz News

LOOK: Comedy superstars Vic Sotto, Maine Mendoza at Wally Bayola, may bagong project?

By Aedrianne Acar

Maraming netizens ang na-curious matapos mag-post sa social media ang "Phenomenal Star" na si Maine Mendoza ng photos ng tila isang bagong project kung saan makakasama niya ang ilan sa mga comedy superstars ng bansa.

May patikim sa Instagram sina Maine at Rams David sa isang malaking project kung saan bibida rin sina Bossing Vic Sotto at Kalyeserye star na si Wally Bayola.

Si Rams David ang presidente ng Triple A na tumatayong talent management arm ng APT Entertainment at siyang namamahala sa career ni Maine Mendoza.


Ramdam na ang excitement ng loyal fans ng Dubsmash Queen sa bago niyang proyekto. Pati ang Eat Bulaga stars na sina Pauleen Luna, Allan K at Ruby Rodriguezay nag-react sa photos na kumakalat ngayon online.



May post din ang StarStruck alumni na si Kevin Santos na tila excited rin na makatrabaho sina Bossing at Menggay.


Ano kaya ang malaking sorpresa na ito nina Bossing, Maine at Wally, mga Kapuso?