Showbiz News

EXCLUSIVE: Kapuso celebrities, apektado rin ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin

By Aedrianne Acar

Ramdam na ramdam hindi lamang ng mga ordinaryong Filipino, pati na rin ng mga paborito ninyong celebrities, ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Economist says 6.4% inflation rate means hunger for Pinoys

Kamakailan lang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot ang inflation rate ng 6.4 % sa buwan ng Agosto, na pinakamataas sa loob ng siyam na taon.

Ilang mga celebrities ang personal na na-interview ng GMANetwork.com at tinanong kung paano sila naapektuhan ng sobrang taas na presyo ng mga bilihin.

Ayon sa Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose, kita niya sa tuwing namimili siya ay doble na ang minahal ng mga pagkain.

Kuwento niya, “Ako mismo, I go to the market pati ako nagdidiskarte, kailangan mong diskartehan kasi doble talaga.

“The usual food I ordered that me and my son are getting, makikita mo ngayon doble ang presyo, but the same lang yung order namin. So, ramdam na ramdam ko din talaga.”

Pati din daw siya ay kailangan nang dumiskarte para makatipid lamang.

Saad ni Jaclyn, “Halimbawa one kilo gagawin mong 3/4. I went to Mahogany market the other day in Tagaytay, I go to Farmers.

“Kapag hindi ka magdidiskarte walang mangyayari.”

Samantala, naniniwala naman ang Kapuso actor na si Jason Abalos na depende sa lifestyle ng isang tao kung paano siya mag-a-adjust sa walang hinting pagtaas ng mga bilihin sa bansa.

“Nasa lifestyle lang din yun,” aniya.

“Kumbaga, kung medyo mahal ang mga bilihin, puwede ka naman kumain sa mga carinderia.

“Ako kasi, minsan yun ang ginagawa ko. 'Tapos kung mayroon kayong maluluwang na lupa, di ba, puwede kayo magtanim kung anu-ano.

“Depende nga sa lifestyle kung medyo magastos ngayon puwede magtipid.”

Para naman sa T.O.P member na si Adrian Pascual dapat matutong maging praktikal ang mga Pinoy.

Paliwanag niya, “Siguro practicality magiging praktikal. Hindi rin ako maarte na tao kahit Bicol express na 555 Tuna tapos mainit na kanin, G ako.

“Ganito gawin n'yo mag-grocery kayo dun sa mura ang bilihin. Magluto kayo kaysa bumili kasi sobrang makakamura.”