
Hindi inasahan ni Hindi Ko Kayang Iwan Ka lead star Yasmien Kurdi na aabangan ng kanyang Malaysian fans ang pagdating niya sa Kuala Lumpur International Airport (KLIA) noong nakaraang linggo.
Kasama ng aktres ang kanyang asawang si Rey Soldevilla, Jr., na mismong piloto ng eroplanong kanyang sinakyan.
READ: Yasmien Kurdi's appreciation post for 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'
Pagkadating sa KLIA, sinalubong si Yasmien ng ilang fans na may dala pang regalo sa kanya.
Aniya, "Salamat sa Malaysian fans ko na nag antay talaga sa arrival ko sa #kualalumpurairport. Di ko in-expect. Mahal ko kayo. #terimakasih, thanks for the chocolates."
Nakilala si Yasmien sa Malaysia dahil sa kanyang dating Afternoon Prime series na Sa Piling Ni Nanay, na ipinalabas sa naturang bansa na may alternate title na Ysabel.
Yasmien Kurdi, nagpasalamat sa mga nanonood ng 'Sa Piling Ni Nanay' sa Malaysia